Thursday, February 21, 2013

Albay



Gusto mo bang makapag libang? Kung oo, isa sa mga lungsod sa Albay ay ang capital nitong Legazpi na kinikilala bilang “City of Fun and Adventure” at dito rin matatagpuan ang sikat na Mt. Mayon. Isa pa sa mga lungsod dito ay ang lungosd ng Tabaco na ipinagdiriwang taon-taon ang “Tabak Festival” na kung saan pinagdiriwang ang lahat ng tabaknon sa pamamagitan ng pagsasayaw at pagganap, ang “Mutya ng Tabak” na isang uri ng “Beauty Pageant”.
Kaya naman siguradong hindi ka magsasawang mamasyal dito.Marami-rami din ang mga dayalekto dito sa Albay. Ilan dito ay ang Bikolano, Viejo, Daragueño, Legazpeño, Oasnon at ang Albayanon. Ngunit di mo kailangang magalala dahil karamihan naman ng mga tao dito ay nakakaintindi ng Tagalog o Ingles kaya hindi ka mahihirapan makipagusap sa mga tao dito.
Madaming masarap na pagkain dito kaya siguradong hindi kayo magugutom dito! Ilan dito ay ang Bicol Express: Ang Bicol Express ay binase mula sa isang bikolanong ulam na gulay na may lada na ngayon ay kinikilala bilang isang klase ng Bicol express. Sa lahat ng mga kilalang pagkain sa Bicol, pinaka “the best” ang Bicol express! Bakit? Kasi naman, amoy pa lang nakakatakam na, lasa pa kaya? Yung anghang niya, basta tama ang pagkaluto ay tamang tama! Nagmula sa Bicol, na probinsiya sa Timog- Luzon, na kilala sa mga niyog at mga pampaanghang nila dito, Ang mga sili dito ay tinatawag na “siling labuyo” o “Birds eye chilli”. Kaya kung gusto mo ng maanghang na ulam, kumain ka na ng Bicol Express. Isa pa ang Laing. Ito ay may lasang napakasarap kapag iyong natikman, Sa iyong paglunok nito, saka mo matitikman ang kakaiba nitong lasa.


13 comments:

  1. Maganda ang blog ninyo. Marami akong natutunan at isa na dito ay ang tawag nila sa kanilang pampaanghang na 'Birds Eye Chilli'. ^____^

    ReplyDelete
  2. Napakagandang lugar, at blog :)

    ReplyDelete
  3. Maganda ang inyong pagkakagawa sa ng blog. Maraming pwede matutunan tungkol sa Bicol. Ipagpatuloy ang kahusayan sa paggawa ng blog. Laging ipagmalaki ang Pilipinas di lamang ang Bicol. Mahusay! :)

    ReplyDelete
  4. Very Nice Place to visit for Adventure! Thank you sa info!

    ReplyDelete
  5. Creators of this blog, if possible, put it in english to be understand worldwide

    ReplyDelete
  6. Nakapunta na ko dito :)And dapat lang na ipagmalaki natin to. :)

    ReplyDelete
  7. Nice blog!!! It have everything about Bicol!!!

    ReplyDelete
  8. This blog is really wonderful and informative as well. It showed the different attractions that we can enjoy. It really encourages tourist to go visit this place. Good job:)

    ReplyDelete
  9. Nice blog! naalala ko rin na masarap ang bicol express XDDD

    ReplyDelete
  10. Tunay nga'ng masaya pumunta sa Bicol. :bd
    Sapat na impormasyon ang nakalap niyo. =)

    ReplyDelete
  11. I had the chance to visit Albay.. and I was really mesmerized by the beauty of Mt. Mayon...

    ReplyDelete
  12. Naaalala ko tuloy nung pumunta kami ng Bicol.. habang nagbibiyahe, yung Mayon para kaming sinusundan...
    - Mellyza Senica

    ReplyDelete