Thursday, February 28, 2013

We appreciate all your comments and suggestions you have given our blog :) Thanks a lot! :)
Please find spare time to explore our blog, and leave a comment on what you think about it, suggestions are also encouraged. :)

This video shows one way on how to make candied Pili Nuts.. Enjoy. 

Here is a video that shows how to cook Laing.. 

Thursday, February 21, 2013

Albay



Gusto mo bang makapag libang? Kung oo, isa sa mga lungsod sa Albay ay ang capital nitong Legazpi na kinikilala bilang “City of Fun and Adventure” at dito rin matatagpuan ang sikat na Mt. Mayon. Isa pa sa mga lungsod dito ay ang lungosd ng Tabaco na ipinagdiriwang taon-taon ang “Tabak Festival” na kung saan pinagdiriwang ang lahat ng tabaknon sa pamamagitan ng pagsasayaw at pagganap, ang “Mutya ng Tabak” na isang uri ng “Beauty Pageant”.
Kaya naman siguradong hindi ka magsasawang mamasyal dito.Marami-rami din ang mga dayalekto dito sa Albay. Ilan dito ay ang Bikolano, Viejo, Daragueño, Legazpeño, Oasnon at ang Albayanon. Ngunit di mo kailangang magalala dahil karamihan naman ng mga tao dito ay nakakaintindi ng Tagalog o Ingles kaya hindi ka mahihirapan makipagusap sa mga tao dito.
Madaming masarap na pagkain dito kaya siguradong hindi kayo magugutom dito! Ilan dito ay ang Bicol Express: Ang Bicol Express ay binase mula sa isang bikolanong ulam na gulay na may lada na ngayon ay kinikilala bilang isang klase ng Bicol express. Sa lahat ng mga kilalang pagkain sa Bicol, pinaka “the best” ang Bicol express! Bakit? Kasi naman, amoy pa lang nakakatakam na, lasa pa kaya? Yung anghang niya, basta tama ang pagkaluto ay tamang tama! Nagmula sa Bicol, na probinsiya sa Timog- Luzon, na kilala sa mga niyog at mga pampaanghang nila dito, Ang mga sili dito ay tinatawag na “siling labuyo” o “Birds eye chilli”. Kaya kung gusto mo ng maanghang na ulam, kumain ka na ng Bicol Express. Isa pa ang Laing. Ito ay may lasang napakasarap kapag iyong natikman, Sa iyong paglunok nito, saka mo matitikman ang kakaiba nitong lasa.


Bicol Express

Paraan Ng Pagluluto Ng Bicol Express:
1. Ilagay ang hiniwang karne sa isang kawali. Lutuin hanggang ito ay maging golden-brown.

2. Igisa ang luya, sibuyas at bawang sa loob ng kaunting minuto.

3. Idagdag ang bagoong at lutuin sa loob ng 5 minuto .

4.Idagdag ang berdeng sile at siling labuyo at ilagay ang gata.
5. Haluin ang lahat ng sangkap at lutuin hanggang lumambot ang pork at lumapot ang gata .

6. Dagdagan ng asin at paminta.