Kagandahan ng Bicol, Ipinagmamalaki namin!
Tuesday, December 10, 2013
Monday, November 18, 2013
Thursday, February 28, 2013
Thursday, February 21, 2013
Albay
Gusto mo bang makapag libang? Kung oo, isa sa mga lungsod sa Albay ay ang capital nitong Legazpi na kinikilala bilang “City of Fun and Adventure” at dito rin matatagpuan ang sikat na Mt. Mayon. Isa pa sa mga lungsod dito ay ang lungosd ng Tabaco na ipinagdiriwang taon-taon ang “Tabak Festival” na kung saan pinagdiriwang ang lahat ng tabaknon sa pamamagitan ng pagsasayaw at pagganap, ang “Mutya ng Tabak” na isang uri ng “Beauty Pageant”.
Kaya naman siguradong hindi ka magsasawang mamasyal dito.Marami-rami din ang mga dayalekto dito sa Albay. Ilan dito ay ang Bikolano, Viejo, Daragueño, Legazpeño, Oasnon at ang Albayanon. Ngunit di mo kailangang magalala dahil karamihan naman ng mga tao dito ay nakakaintindi ng Tagalog o Ingles kaya hindi ka mahihirapan makipagusap sa mga tao dito.
Madaming masarap na pagkain dito kaya siguradong hindi kayo magugutom dito! Ilan dito ay ang Bicol Express: Ang Bicol Express ay binase mula sa isang bikolanong ulam na gulay na may lada na ngayon ay kinikilala bilang isang klase ng Bicol express. Sa lahat ng mga kilalang pagkain sa Bicol, pinaka “the best” ang Bicol express! Bakit? Kasi naman, amoy pa lang nakakatakam na, lasa pa kaya? Yung anghang niya, basta tama ang pagkaluto ay tamang tama! Nagmula sa Bicol, na probinsiya sa Timog- Luzon, na kilala sa mga niyog at mga pampaanghang nila dito, Ang mga sili dito ay tinatawag na “siling labuyo” o “Birds eye chilli”. Kaya kung gusto mo ng maanghang na ulam, kumain ka na ng Bicol Express. Isa pa ang Laing. Ito ay may lasang napakasarap kapag iyong natikman, Sa iyong paglunok nito, saka mo matitikman ang kakaiba nitong lasa.
Subscribe to:
Posts (Atom)