Thursday, January 24, 2013

Mga Sikat Na Personalidad Sa Bicol



Mga Sikat Na Personalidad Sa Bicol




Venus Raj

Si Maria Venus Bayonito Raj o mas kilala bilang Venus Raj ay ipinanganak noong ika-7 ng Hulyo noong 1988 sa Doha, Qatar sa amang si Vincent Raj at inang si Ester Bayonito. Ayon sa kanya, siya ay lumaki at tumira sa Bato, Camarines Sur matapos maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Mula noon ay itinaguyod siya ng kaniyang ina, na isang mananahi at magsasaka. Kasama ng kaniyang mga kapatid, tumulong din sa pagsasaka si Raj at ayon sa kaniya, natuto siyang maglakad na tulad ng isang model sa pamamagitan ng paglalakad sa mga makikipot na dike ng palayan. Nakilala si Venus dahil sa kanyang pagkakapanalo bilang ikaapat ng na runner up sa Ms. Universe dahil sa kanyang pagkapanalo ang pilipinas ay mas nakilala sa buong mundo.


Nora Aunor


Si Nora Cabaltera Villamayor Aunor o mas kilala bilang Nora Aunor ay ipinanganak bilang Maria Leonora Teresa Cabaltera Aunor noong Mayo 21, 1953 ay isang Pilipinong mang-aawit, artistaat producer na tinaguriang Superstar. Naging artista din siya sa maraming palabas sa entablado sa telebisyon at mga concert. Siya ang unang artistang babae na nagwagi ng International Best Actress Award sa Cairo International Film Festival para sa pelikulang "The Flor Contemplacion Story" Siya ay ang nag-iisang artistang babae ng pelikula na napabilang sa 100 Centennial Honor for the Arts na iginawad ng Cultural Center of the Philippines noong 1999. Naging asawa niya si Christopher de Leon at dalawang beses pang ikinasal ngunit sa kalunan, naghiwalay ang dalawa. Ang kanyang mga anak ay sina Ian de Leon, Lotlot de Leon, Matet de Leon, Kiko de de Leon at Kenneth de Leon.




Jesse Robredo



Si Jesus Manalastas Robredo o mas kilala bilang Jesse Robredo ay ipinanganak noong 27 Mayo 1958 sa Lungsod ng Naga. Pangatlo siya sa limang magkakapatid na dalawang lalaki at tatlong babae, nina Jose Chan Robredo Sr. at Marcelina Manalastas. Purong Intsik si Lim Pay Co, ang lolo sa ama ni Robredo na dumating sa Pilipinas noong pagpasok ng ika-dalawampung siglo. Bago pasukin ang paglilingkod sa publiko, namasukan muna si Robredo sa Physical Distribution Technical Services Department, General Services Division ng San Miguel Corp.. Sa loob ng anim na buwan, hinawakan niya ang dalawa sa tatlong dibisyon at inilipat sa departamentong pinansyal sa loob ng anim na buwan. Lumipat siya sa Magnolia at naatasan sa logistics planning kasabay ng pagiging direktor ng physical distribution. Pagkabalik niya sa Naga noong 1986, ginawa siyang Program Director ng Bicol River Basin Development Program, isang ahensyang nagpapalakad ng mga gawain sa pagpaplanong paunlarin ang tatlong lalawigan ng rehiyon. Noong 1988, naihalal siya bilang punong-lungsod ng Naga, pinakabatang naging punong-lungsod sa Pilipinas sa gulang na dalawampu't siyam. Mula sa matamlay na siyudad, nagawa niyang mapabilang ito sa “Most Improved Cities in Asia” ng Asiaweek Magazine noong 1999. Dahil sa kanyang mabisang pamumuno, naihalal siya bilang pangulo ng Liga ng mga Punong-Lungsod ng Pilipinas noong 1995. Nang taong ding iyon, pinamunuan niya ang Metro Naga Development Council. Naluklok din siya bilang pinuno ng Regional Development Council ng Bikol mula 1992 hanggang 1998. Kasapi rin siya ng Partido Liberal ng Pilipinas.


1 comment:

  1. Hello po gusto ko po sanang hanapin ang mga kamag anak ko po sa bicol matagal ko na po silang gustong makilala ngunit po hindi ko po alam kung paano ko sila hahanapin.sana po merom may magandang loob po na makatulong sa akin na mahanap po ang mga magulang ko matagal na po akong ulila sa kanila.😢😢😢😢

    ReplyDelete