Thursday, January 24, 2013
Sana nga..
Mga simpleng mag-aaral ng City of Mandaluyong Science High School lamang kami, Ngunit kami ay nagsama-sama upang mabuo ang blog na ito, proyekto man namin ito sa asignaturang filipino, kami ay naanyayahan gawin ito hindi lamang dahil sa markang aming makukuha ngunit para narin ibahagi sa inyo ang natatanging impormasyon na aming nasaliksik sa mga nagdaang araw. Sana ay napalawak namin ang inyong kaalaman ukol sa Bicol.
Ten things to do in Albay
May mga pagkakataon na ang hanap natin sa paglalakbay ang ang makagawa ng kakaibang mga bagay o makakita ng mga panibagong tanawin, sa tingin namin, ito na ang sagot sa mga problema ninyo! Salamat na lang at may nakaisip gumawa ng site na ito! (hindi po kami ang gumawa ng site na ibinigay namin)
Mga Sikat Na Pagkain Sa Bicol
Mga Sikat Na Pagkain Sa Bicol
Laing
Ang laing ay isang
maanghang na pagkain na gawa sa gata at pinatuyong mga dahon. Ito ay nagmula sa
rehiyon ng Bicol sa Pilipinas. Dahil sa masarap nitong lasa at mura nitong
halaga, ito naging napakasikat. Karamihan ng mga tao ay kadalasang ginagaya.
Ito ay isang katotohanan para sa pagkaing ito. Iba-ibang bersyon nito ang
biglang naglabasan sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas habang ang ibang bersyon
nito ay dinadagdagan ng mga sangkap, at ang iba ay gumagamit ng alternatibong
mga sangkap. Kahit na marami mang bersyon ang nauso, tatlong
pinaka-importanteng sangkap para sa pagkaing ito ay: Gata, pinatuyong dahon ng
taro at siling labuyo.
Pili Nut
Canarium
ovatum mas
kilala sa pangalang pili ay
isang uri ng punong tropiko na kasama sa Genus Canarium. Isa ito mula sa
hihigit ng 600 na uri ng Burseraceae. Ang pili ay natural sa Maritime Southeast
Asia Papua New Guinea at hilagang Australia. Ito ay pangkomersyong nilinang sa
Pilipinas dahil sa kanilang nakakaing mani.
Bicol Express
Ang Bicol express ay
isang popular na ulam ng mga Pilipino sa distrito ng Malate, Maynila pero gawa
sa tradisyunal na Bicolanong istilo ng pagluluto. Ito ay isang stew na gawa sa
mahaba o panjangin sa salitang Malay o Indonesian, gata, shrimp paste o
stockfish, sibuyas, karne ng baboy at bawang. Ito ay sinasabing nagmula sa
gulay na may lada na isa pang pagkaing bikolano na ngayon ay ihinahanda bilang
isa sa mga uri ng bikol express.Ang bikol express ay ipinangalan sa isang
pampasaherong tren mula sa maynila papunta sa rehiyon ng bikol sa Pilipinas
para sa maanghang nitong luto.
Ngunit, Subalit, Bagkus..
Kadalasan mas ipinagmamalaki ng isang bayan ang kanilang mga magagandang tanawin, ito ang mga nilalagay nila sa mga brochure, o mga flyer upang anyayahan ang mga manlalakbay na pumuntasa lugar nila, pero kami, ipagmamalaki namin sa inyo ang mga sikat na pagkain at mga personalidad sa Bicol. Ika nga ay mag Food Trip tayo, at susundan ang mga iba't- ibang mga personalidad dito. :) Sosyal nga tignan kung naglalakbay sa ibang bansa subalit hindi mas maganda kung ipagmamalaki mo na nalibot mo na ang ating inang bayan? kung kami ang papipiliin mas matutuwa kami kung lalakbayin muna natin ang sariling atin bago mangibang bansa.
Mga Sikat Na Personalidad Sa Bicol
Mga Sikat Na Personalidad Sa Bicol
Venus Raj
Si Maria Venus Bayonito Raj o mas kilala bilang Venus Raj
ay ipinanganak noong ika-7 ng Hulyo noong 1988 sa Doha, Qatar sa amang si Vincent Raj at inang si Ester
Bayonito. Ayon
sa kanya, siya ay lumaki at tumira sa Bato, Camarines Sur matapos maghiwalay
ang kaniyang mga magulang. Mula noon ay itinaguyod siya ng kaniyang ina, na
isang mananahi at magsasaka. Kasama ng kaniyang mga kapatid, tumulong din sa pagsasaka
si Raj at ayon sa kaniya, natuto siyang maglakad na tulad ng isang model sa
pamamagitan ng paglalakad sa mga makikipot na dike ng palayan. Nakilala si
Venus dahil sa kanyang pagkakapanalo bilang ikaapat ng na runner up sa Ms.
Universe dahil sa kanyang pagkapanalo ang pilipinas ay mas nakilala sa
buong mundo.
Nora Aunor
Si Nora Cabaltera Villamayor Aunor o mas kilala bilang Nora Aunor ay ipinanganak bilang
Maria Leonora Teresa Cabaltera Aunor noong Mayo 21, 1953 ay isang Pilipinong
mang-aawit, artistaat producer na tinaguriang Superstar. Naging artista din
siya sa maraming palabas sa entablado sa telebisyon at mga concert. Siya ang
unang artistang babae na nagwagi ng International Best Actress Award sa Cairo
International Film Festival para sa pelikulang "The Flor Contemplacion
Story" Siya ay ang nag-iisang artistang babae ng pelikula na napabilang sa
100 Centennial Honor for the Arts na iginawad ng Cultural Center of the
Philippines noong 1999. Naging asawa niya si Christopher de Leon at dalawang
beses pang ikinasal ngunit sa kalunan, naghiwalay ang dalawa. Ang kanyang mga anak ay sina Ian de Leon, Lotlot de Leon,
Matet de Leon, Kiko de de Leon at Kenneth de Leon.
Jesse Robredo
Si Jesus Manalastas Robredo o mas kilala bilang Jesse Robredo
ay ipinanganak noong 27 Mayo 1958 sa Lungsod ng Naga. Pangatlo siya
sa limang magkakapatid na dalawang lalaki at tatlong babae, nina Jose Chan
Robredo Sr. at Marcelina Manalastas. Purong Intsik si Lim Pay Co, ang lolo sa
ama ni Robredo na dumating sa Pilipinas noong pagpasok ng ika-dalawampung
siglo. Bago pasukin ang paglilingkod sa publiko, namasukan muna si Robredo sa
Physical Distribution Technical Services Department, General Services Division
ng San Miguel Corp.. Sa loob ng anim na buwan, hinawakan niya ang dalawa sa
tatlong dibisyon at inilipat sa departamentong pinansyal sa loob ng anim na
buwan. Lumipat siya sa Magnolia at naatasan sa logistics planning kasabay ng
pagiging direktor ng physical distribution. Pagkabalik niya sa Naga noong 1986,
ginawa siyang Program Director ng Bicol River Basin Development Program, isang
ahensyang nagpapalakad ng mga gawain sa pagpaplanong paunlarin ang tatlong
lalawigan ng rehiyon. Noong 1988, naihalal siya bilang punong-lungsod ng Naga,
pinakabatang naging punong-lungsod sa Pilipinas sa gulang na dalawampu't siyam.
Mula sa matamlay na siyudad, nagawa niyang mapabilang ito sa “Most Improved
Cities in Asia” ng Asiaweek Magazine noong 1999. Dahil sa kanyang mabisang
pamumuno, naihalal siya bilang pangulo ng Liga ng mga Punong-Lungsod ng
Pilipinas noong 1995. Nang taong ding iyon, pinamunuan niya ang Metro Naga
Development Council. Naluklok din siya bilang pinuno ng Regional Development
Council ng Bikol mula 1992 hanggang 1998. Kasapi rin siya ng Partido Liberal ng
Pilipinas.
Panibagong karanasan...
Sa ganda ng sikat ng araw sa ikalabing- apat na araw ng Enero, kami ay natutuwang ibahagi sa inyo ang aming kaalaman ukol sa isang munting bayan ng Bicol. Wala man kaming gaanong alam na impormasyon sa natatanging lugar na ito, matitiyak namin na ang lugar na ito ay hindi ninyo pagsisihan ang inyong pagbisita, sa ganda ng mga lugar dito ay mabibighani kayo sa mga "tourist spots" dito. Kasama niyo kami sa pagtuklas sa mga natatanging sikreto ng lungsod ng Albay, Bicol. Inaamin naming sinisimulan pa lamang ang paglalakbay, ngunit kami ay tunay na masisiyahan kung kami ay inyong sasamahan. :)
Subscribe to:
Posts (Atom)